Miyerkules, Mayo 17, 2023

Muslak - salin ng tulang NAIVE ni Winter Raine

MUSLAK
ni Winter Raine
malayang salin ni 
Gregorio V. Bituin Jr.

napakabata ko
napakatanda mo
ilang ulit na bang
sinabihan tayo?

hindi ito tama
hindi ito patas
minahal na kita
may pakelam sila?

sila'y nag-alala
nakita ba nila
sa iyo'y ako lang 
pagkat mahal mo nga.

subalit huli na
dapat kang umalis
pagbayarin sila
magpalitan kaya?

aalis din ako
makikita nila
tanggapin ka nila
nang nais din ako.

ngunit di gumana
aalis ka pa rin
lagi ka sa isip
ay, napakamuslak

* Isinalin, 05.17.2023
muslak - musmos, walang muwang, naive
- mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.803

NAIVE
by Winter Raine

I was too young
You were too old
How many times
Should we be told?

It wasn't right
It wasn't fair
I love you now
Don't they care?

They are worried
Don't they see
I am your only one
You really do love me.

It's too late
you have to go
I'll make them pay
quid pro quo, no?

I will leave too
Then they will see
They have to take you
If they want to have me.

Too bad it didn't work
You still have to leave
I will always think of you
Oh to still be so naive.

Huwebes, Hulyo 14, 2022

Ikaw

IKAW
Tula ni Vladimir Mayakovsky, 1922
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Dumating ka -
determinado,
sapagkat malaki ako,
sapagkat ako’y umuungol,
ngunit sa malapitang inspeksyon
nakikita mo’y isang batang lalaki.
Kinuha mo
at inagaw ang puso ko
at sinimulan
itong paglaruan -
parang babaeng may bolang tumatalbog.
At bago ang himalang ito
bawat babae
ay maaaring babaeng nagtataka
o kaya’y dalagang nagtatanong:
"Ibigin ang taong ganyan?
Bakit, susuntukin ka niyan!
Dapat niyang mapaamo ang leyon,
isang babae mula sa palahayupan!"
Ngunit nagtagumpay ako.
DI ko iyon naramdaman -
ang pamatok!
Nalilito sa tuwa,
ako'y tumalon 
at napalundag, sa namumulang balat ng masayang katipan,
Nakaramdam ako ng sobrang tuwa
at gaan ng loob.

* Isinalin: Hulyo 14, 2022
* Hinalaw sa Vladimir Mayakovsky Internet Archive
* Litrato mula sa google

YOU
Poem by Vladimir Mayakovsky, 1922

Source: The Bedbug and selected poetry, translated by Max Hayward and George Reavey. Meridian Books, New York, 1960;
Transcribed: by Mitchell Abidor.

You came –
determined,
because I was large,
because I was roaring,
but on close inspection
you saw a mere boy.
You seized
and snatched away my heart
and began
to play with it –
like a girl with a bouncing ball.
And before this miracle
every woman
was either a lady astounded
or a maiden inquiring:
“Love such a fellow?
Why, he'll pounce on you!
She must be a lion tamer,
a girl from the zoo!”
But I was triumphant.
I didn’t feel it –
the yoke!
Oblivious with joy,
I jumped
and leapt about, a bride-happy redskin,
I felt so elated
and light.

Miyerkules, Hulyo 13, 2022

Soneto 77

SONETO 77
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Ipakikita sa iyo niyang / salamin ang suot mong alindog,
Idadayal mo pa’no nasayang / yaong mahahalagang sandali;
Matatala sa kawalang puwang / ang sa iyong diwa’y mahuhubog,
At sa aklat na ito’y iyo ngang / malalasap ang aral na mithi.
Ang mga kulubot na naroong / ipinakikita ng salamin
Sa mga bunganga ng libingang / tumatak sa iyong alaala;
Sa pagdayal mo sa makulimlim / na lilim na ari mang alamin
Ang panakaw na pag-unlad niyong / panahon tungong kawalang-hangga.
Tingni kung ano ang hindi aring / maakibat niyang isipan mo
Magsulat sa mga blangkong sayang / na ito’t iyong matatagpuan.
Ang mga inalagaang paslit / na dinala sa iyong huwisyo
Upang ang diwa mo’y magkaroon / ng panibago ring kasamahan.
Ang mga nariritong tanggapan, / sa tuwing pagmamasdan mong sukat,
Ay talagang makikinabang ka’t / mapayayaman pa yaong aklat.

07.13.2022

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula:
abab - katinig na malakas o; patinig na may impit i;
cdcd - katinig na mahina i; patinig na walang impit a;
efef - patinig na walang impit o; katinig na mahina a;
gg - katinig na malakas a.

SONNET 77
from the book The Sonnets, by William Shakespeare, Collins Classics

Thy glass will show thee how thy beauties wear,
Thy dial how thy precious minutes waste;
The vacant leaves thy mind’s imprint will bear,
And of this book this learning mayst thou taste.
The wrinkles which thy glass will truly show
Of mouthed graves will give thee memory;
Thou by thy dial’s shady stealth mayst know
Time’s thievish progress to eternity.
Look what thy memory cannot contain,
Commit to these waste blanks, and thou shalt find
Those children nurs'd, deliver’d from thy brain,
To take a new acquaintance of thy mind.
These offices, so oft as thou wilt look,
Shall profit thee and much enrich thy book.

Martes, Hulyo 12, 2022

Optimistiko

OPTIMISTIKO
tula ni Hazim Hikmet
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

noong bata pa'y di niya binunot ang pakpak ng mga langaw
di rin siya nagtali ng lata sa buntot ng mga pusa
o nagsilid ng salagubang sa mga kahon ng posporo
o dumapa sa umbok na punso
siya'y lumaki na
at lahat ng bagay na iyon ay pinaggagawa sa kanya
nasa tabi ako ng kanyang kama nang siya'y mamatay
sabi niya'y babasahan ako ng tula
tungkol sa araw at sa dagat
tungkol sa mga reaktor ng nukleyar at satelayt
tungkol sa kadakilaan ng sangkatauhan

* Isinalin: Hulyo 12, 2022

OPTIMISTIC MAN
poem by Nazim Hikmet

as a child he never plucked the wings off flies
he didn't tie tin cans to cats' tails
or lock beetles in matchboxes
or stomp anthills
he grew up
and all those things were done to him
I was at his bedside when he died
he said read me a poem
about the sun and the sea
about nuclear reactors and satellites
about the greatness of humanity

Huwebes, Hulyo 7, 2022

Mga tula sa Unang Daigdigang Digmaan

MGA TULA SA UNANG DAIGDIGANG DIGMAAN 
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.

Matindi ang digmaan, madugo. Kaya ang ilarawan ito ng mga nakaranas mismo ng digmaan, lalo na sa anyong patula o pampanitikan, ay kahanga-hanga, lalo't batid mong sinulat nila iyon habang sila'y nakikipaglaban, tangan ang kanilang baril, nakikipagpalitan ng putok.

Kaya ang dalawang aklat ng tula na nasa akin ay pambihira. Dahil bihira tayong makakita ng mga aklat ng tula hinggil sa Unang Daigdigang Digmaan (hindi  Digmaang Pandaigdig, na ilang beses ko nang sinabing mali ang pagkakasalin). Ang tinutukoy kong mga libro'y ito: Poems of the Great War 1914-1918, may sukat na 4" x 5 1/2", at may 160 pahina, kasama ang 12 pahinang Roman numerals, at inilathala ng Penguin Books noong 1998. Nabili ko ito sa BookSale ng Farmers sa Cubao noong Enero 18, 2018 sa halagang P60.00. Ang isa pa'y ang Some Desperate Glory: The First World War the Poets Knew, ni Max Egremont, may sukat na 5 5/8" x 8 5/8", at may 456 pahina, kasama ang 16 na pahinang Roman numerals, at inilathala ng Farrar, Straus and Goroux sa New York noong 2014, at nabili ko naman sa BookSale sa Shopwise branch sa Cubao noong Disyembre 24, 2020, sa halagang P240.00.

Sa Poems of the Great War 1914-1918 ay may dalawampu't isang makata, at 81 tula. Ito'y sina, at ang bilang ng kanilang tula: Richard Aldington - 2; Edmund Blunden - 8; Rupert Brooke - 1; F. S. Flint - 1; Ford Madox Ford - 1; Robert Graves - 1; Ivor Gurney - 10; Thomas Hardy - 1; John McCrae - 1; Frederic Manning - 1; Charlotte Mew - 1; Alice Meynell - 1; Wilfred Owen - 20; Margaret Postgate Cole - 1; Herbert Read - 1; Edgell Rickword - 1; Isaac Rosenberg - 3; Siegfred Sassoon - 17; Charles Hamilton Sorley - 2; Edward Thomas - 6; at May Wedderburn Cannan - 1.

Ang Some Desperate Glory: The First World War the Poets Knew ay may labing-isang makata, at may 73 tula. Ang mga makatang ito at ang bilang ng kanilang tula sa aklat ay sina: Edmund Blunden - 2; Rupert Brooke - 4; Robert Graves - 1; Julian Grenfell - 2; Ivor Gurney - 11; Robert Nichols - 4; Wilfred Owen - 11; Isaac Rosenberg - 11; Siegfred Sassoon - 9; Charles Sorley - 4; at Thomas Hardy - 14. Ang mga tula rito'y hinati sa panahon o taon ng pagkakasulat, at may mga sanaysay o kwento hinggil sa tula at pangyayari: 1914 - may pitong tula; 1915 - 18 tula; 1916 - 15 tula; 1917 - 19 tula; at 1918 - 14 tula.

Kapansin-pansin sa bilang ng mga tula ang marahil ay masisipag magsulat na makata, o marahil ay mga nagustuhang tula ng patnugot ng aklat. Sa Poems of the Great War 1914-1918, si Ivor Gurney ay may sampu, Wilfred Owen ay may 20, at si Siegfred Sassoon ay may 17  tula. Sa Some Desperate Glory, si Ivor Gurney, Wilfred Owen, at Isaac Rosenberg ay may tiglabing-isang tula, habang si Siegfred Sassoon ay may 9 na tula at si Thomas Hardy naman ay may 14 tula.

Nais kong proyektuhin ito ng pagsasalin o isasalin ko sa wikang Filipino ang kanilang mga tula, na susubukan kong may sukat at tugma ang iba, upang mas madama natin ang kanilang mga katha sa panahon ng digmaan. Marahil isa pang dapat gawin ay saliksikin ang kanilang mga talambuhay, at ano ang kaugnayan nila sa Unang Daigdigang Digmaan. Sila ba'y mga sibilyan lamang o mga kawal na nakibaka sa panahong iyon? Isa ito sa mga nais kong tapusing isalin at mailathala upang mabasa ng ating mga kababayan ang kanilang mga tula sa ating sariling wika.

Kung ating titingnan, ang dalawang aklat ay tumutukoy sa mga likhang tula noong Unang Daigdigang Digmaan mula 1914-1918. Nagsimula ang digmaan noong Hunyo 28 1914 nang pinaslang ng isang nasyunalistang Serbyan si Archduke Franz Ferdinand ng Imperyong Austriya-Hunggariya. Mula rito'y nagdigmaan na ang mga makapangyarihang bansa sa mundo, na noon ay nahahati sa Pwersang Alyado (batay sa Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransya), at ang Pwersang Sentral (mula naman sa Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Hunggarya at Italya). Natapos ang digmaan noong 11 Nobyembre 1918, kung saan nagkaroon ng limang tratado sa pagitan ng mga bansang kasali sa digmaan. Umabot umano, ayon sa pananaliksik, ang Unang Daigdigang Digmaan, sa dalawampung milyong namatay at dalawampu't isang milyong sugatan. Kaya isa ito sa napakatinding digmaan sa kasaysayan.

Kaya ang pagsasalin ng mga tula ng mga makatang nakasaksi sa digmaang ito ay naging adhikain na o misyon ng inyong lingkod. At bilang panimula ay aking isinalin ang tulang August 2014 ng isang makatang Ingles, na nasa pahina 128 ng aklat na Some Desperate Glory.

AUGUST 1914
Poem by Isaac Rosenberg 

What in our lives is burnt
In the fire of this?
The heart's dear granary?
The much we shall miss?

Three lives hath one life -
Iron, honey, gold.
The gold, the honey gone -
Left is the hard and cold.

Iron are our lives
Molten rights through our youth.
A burnt space through ripe fields,
A fair mouth's broken tooth.

AGOSTO 1914
Tula ni Isaac Rosenberg 
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod

Ano sa buhay nati'y nasusunog
Sa naglalagablab na apoy nito?
Na sa puso'y kamalig nating irog?
Kayraming di natin nakakatagpo?

Tatlong buhay yaong may isang buhay -
Ang bakal, pulot-pukyutan, at ginto.
Ang ginto, ang pulot ay nangawala -
Naiwan ang matigas at malamig.

Yaong bakal na yaring ating buhay
Karapata'y lusaw sa pagkabata.
Espasyo'y sunog sa maayang bukid,
Sira ang ngipin ng magandang bibig.

Si Isaac Rosenberg, isang makata't alagad ng sining (artist), ay isinilang sa Bristol, England noong Nobyembre 25, 1890. Kinatha niya ang una niyang tulang On Receiving News of the War noong huling bahagi ng Hunyo 2014. Nalathala rin ang Youth na ikalawang katipunan ng kanyang mga tula. At dahil walang makuhang trabaho bilang artist ay nagpalista siya sa British Army sa katapusan ng Oktubre 1915. Sa edad na 27, siya'y killed in action o namatay sa digmaan noong Abril 1, 2018. (saliksik mula sa Wikipedia)

Sa isang personal niyang liham, inilarawan ni Rosenberg ang pananaw niya sa digmaan: "I never joined the army for patriotic reasons. Nothing can justify war. I suppose we must all fight to get the trouble over." (Hindi ako sumali sa hukbo para lang sa mga kadahilanang patriotiko. Walang makakapagbigay katwiran sa digmaan. Tingin ko'y dapat tayong lumaban lahat upang matapos na ang gulo.)"

Martes, Hulyo 5, 2022

Soneto 94

SONETO 94
ni William Shakespeare
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
20 pantig bawat taludtod (tugmaang abab-cdcd-efef-gg)

Sila yaong may kapangyarihang / manakit at walang ginagawa,
Na hindi magawa yaong bagay / na lagi nilang inilaladlad,
Sino, na iba’y pinagagalaw, / silang sa bato ginayang pawa,
Hindi natitinag, anong lamig, / at pagdating sa tukso’y kaykupad -
Minana nila ng wato mula / sa langit yaong mga biyaya,
At pati yaman ng kalikasan / ng asawa mula sa gugulin;
Sila yaong mga panginoon / at may-ari niyong mukha nila,
Habang iba’y tagapangasiwa / ng kanilang kahusayan man din.
Yaong bulaklak niyong tag-araw / na sa tag-araw din ay kaytamis
Datapwat ito’y sa sarili lang / nangabubuhay at namamatay;
Subalit kung yaong bulaklak na / nakahahawa’y nagkakaniig,
Ang pinakamasama mang damo’y / sinasalungat ang kanyang dangal.
Matatamis ma’y pinaaasim / ng mga ikinikilos nito:
Tulad ng mga liryong ang amoy / ay mas malala pa kaysa damo.

07.05.2022

Tugmaan batay sa aralin sa katutubong pagtula:
abab - patinig na may impit a; katinig na malakas a;
cdcd - patinig na walang impit a; katinig na mahina i;
efef - katinig na mahina a;  katinig na malakas i;
gg - patinig na walang impit o.

SONNET 94 
from the book The Sonnets, by William Shakespeare, Collins Classics

They that have power to hurt and will do none,
That do not do the thing they most do show,
Who, moving others, are themselves as stone,
Unmoved, cold, and to temptation slow-
They rightly do inherit Heaven's graces,
And husband nature's riches from expense;
They are the lords and owners of their faces,
Others but stewards of their excellence.
The summer's flow'r is to the summer sweet
Though to itself it only live and die;
But if that flow'r with base infection meet,
The basest weed outbraves his dignity.
For sweetest things turn sourest by their deeds:
Lilies that fester smell far worse than weeds.

Miyerkules, Hunyo 22, 2022

Digmaan

DIGMAAN
Tula ni Eugene Pottier
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr. 10 pantig bawat taludtod 

Para kay Eugene Baillet

Kahahayag pa lang ng digmaan 
Anang mga buwitre, "Sunggaban!"
Ngunit wala halos kaibahan:
Di ba't araw-araw na'y digmaan?

Gayunman, balatkayo'y tinanggal,
Animo'y baliw sa paghalakhak;
Helmet ay sinuot ng kalansay,
Kabayong kalansay na'y daratal

Hintay nila'y pawang kasamaan,
Sa bawat uri 't lahat ng antas;
Dito'y may bayarang pananambang,
Doon, tangan ng pamilya'y tabak.

Di mapalawak, mga bandido'y
Pinatapon sa kolonyang penal;
Hinayaan lang ang pandarambong
Sa anyo ng buwis, mga istak

Pinawi nila ang madugong uhaw,
Pati makahayop na silakbo,
Ginambala pa si Lacenaire,
At pinalungkot pa si Castaing.

Pagpaslang ng bata'y kinondena,
Anak nami'y dalawampu, ngayon
Ang lupon ng berdugo'y nagpasya
Aling mabuti ang sa bitayan.

Ang impantisidyo'y tinuligsa,
Anak namin ngayo'y dalawampu,
Ngayong gabi, Lupon ng Berdugo'y
Pinasya ang angkop sa bitayan.

May balahibo, may tatu, kaming
Pulangkutis, mula ibang angkan.
Mga tae'y ikalat sa lupa:
"Mundo'y lilikha ng bagong tao."

Hinamak, Ebanghelyo'y lumikas,
Alagad ay lumisan, naligaw.
O amang bayan, mayroong tigre
Sa mabuting puso'y umatungal.

Naglalagablab ang iyong poot,
Ang madla'y walang pagkakaisa,
Na nagdurusa sa bilangguan
Ng rehimen ng nasyunalidad

Gabi'y pinutol ng bolang kanyon,
Ang lungsod ay nilamon ng apoy,
Dugong pumatak, tara't inumin,
Ikaw, tawag ay sangkatauhan.

Katumpakan ng lakas at bilang
Niyurakan ay sugatang gapi;
Glorya't kumalat sa malakabag
Na pakpak ng karimlang pusikit.

Digma, digma, anong hinihintay
Upang laman at buto'y madurog?
Hinihintay nito'y bagong dahon,
Ang buwan ng bulaklak at ibon.

Paris 1857

* sina Lacenaire at Castaing ay dalawang kilabot na mamamatay-taong Pranses noong ika -19 na siglo

* isinalin mula sa Ingles sa petsang ika-22 ng Hunyo, 2022