Linggo, Enero 1, 2012

Dakilang Oktubre - salin ng tula ni Bertolt Brecht

Great October
Dakilang Oktubre

A poem by Bertolt Brecht
Tula ni Bertolt Brecht 
Salin ni Greg Bituin Jr.

For the Twentieth Anniversary of the October Revolution
Para sa Ikadalawampung Anibersaryo ng Rebolusyong Oktubre

O the great October of the working class!
At last stand upright those
So long bent down. O soldiers, who at last
Point their rifles in the right direction!
Those who tilled the land in spring
Did it not for themselves. In summer
They bent down lower still. Still the harvest
Went to the barns of the masters. But October
Saw the bread, at last, in the right hands!

O, ang dakilang Oktubre ng uring manggagawa!
Sa huling kapita-pitagang tindig ng mga
Matatagal nang nakayuko. O, mga kawal, na sa huling
Asinta ng kanilang mga riple sa tamang direksyon!
Yaong mga nagsaka ng lupa noong tagsibol
Ay ginawa iyon hindi para sa sarili. Noong tag-araw
Mas lalo silang yumuko. Gayunpaman ang mga inani'y
Napunta pa rin sa mga kamalig ng mga panginoon. Ngunit nakita
Ng Oktubre ang mga pagkain, sa wakas, sa tamang mga kamay!

            Since then
The world has hope.
The Welsh miner and the Manchurian coolie
And the Pennsylvanian worker, leading a life worse than a dog
And the German, my brother, who
Envies them all
Know, there is
An October.

 Mula noon
Nagkapag-asa ang daigdig
Ang minerong taga-Wales at obrero mula Manchuria
At ang manggagawa sa Penmsylvannia, na namumuhay ng masahol pa sa aso
At ang Aleman, aking kapatid, na
Kinaiinggitan nitong lahat
Ay nalalamang, mayroon ngang
Oktubre.

Even the aeroplanes of the Fascists, which
Fly up attacking him, are seen
By the soldier of the Spanish militia therefore
With less anxiety.

Kahit na ang mga eroplano ng mga Pasista, na
Lumipad upang siya'y salakayin, ay nakita
Ng mga kawal ng milisyang Kastila gayunman
Ng di gaanong nababahala.

But in Moscow, the famous capital
Of all the workers
Moves over the Red Square yearly
The unending march of the victors.
They carry with them the emblems of their factories
Pictures of tractors and bales of wool of textile works.
Also the ears of corn of the grain factories.
Above them their fighter planes
Darken the sky and in front of them
Their regiments and tank squadrons.
On broad, cloth banners
They carry their slogans and
The portraits of their great teacher. The cloth
Is transparent, so that
All this can be seen on both sides.
Narrow, on thick sticks
Flutter the high flags. In the far off streets
When the march comes to a halt
There are lively dances and competitions. Full of joy
Progresses the march, many besides each other, full of joy
But to all oppressors
A Threat.

Ngunit sa Moscow, ang tanyag na kabisera
Ng lahat ng mga manggagawa
Ay taun-taong tumutungo sa Pulang Parisukat
Ang walang katapusang martsa ng mga nagwagi.
Tangan nila ang sagisag ng kanilang pabrika
Mga larawan ng traktora at bigkis ng mga hinabing lana.
Pati na puso ng mais sa mga pabrika ng butil.
Sa ibabaw nila'y ang kanilang eroplanong pandigma
Na nagpadilim sa kalangitan at sa harapan nila'y
Ang kanilang mga talupad at tangke armada.
Nakalantad ang kanilang mga bandilang tela
Habang tangan ang kani-kanilang panawagan at 
Ang larawan ng kanilang dakilang guro. Ang tela'y
Malinaw, upang 
Lahat ng ito'y kita sa lahat ng panig.
Makitid, sa makapal na patpat
Nagwawagayway ang matataas na bandila. Sa malayo
Habang tumigil sumandali ang martsa
May masisiglang sayawan at paligsahan. Puno ng kagalakan
Ngunit sa lahat ng mapagsamantala
Ito'y banta.

O the great October of the working class!

O, ang dakilang Oktubre ng uring manggagawa!

Biyernes, Nobyembre 27, 2009

Ang Aking Pamaypay - tula ni Gat Andres Bonifacio

Ilang pahayag hinggil sa salin: 

Hindi lang nagsalin ng tula ni Rizal si Bonifacio bilang patunay ng kanyang kaalaman sa wikang Kastila, kundi nagsulat din siya ng tula sa wikang Kastila, na ayon sa mananaliksik na si Virgilio S. Almario ay mula umano sa ulat ng isang E. Arsenio Manuel. [Panitikan ng Rebolusyon(g 1896), V. S, Almario, pahina 134]. Ang tulang ito "diumano'y nilikha ni Bonifacio noong bata pa at nakakanta pa ng kapatid na si Espiridiona nang kapanayamin ni Manuel." (Ibid.) Ibig sabihin, di lang simpleng tula sa wikang Kastila ang nalikha ni Bonifacio kundi isang awit. 

Noong high school ako ay may kurso pang Spanish. Nasa third year yata kami noon nang nagturo sa amin ng Spanish ang aming gurong si Mam Luz Boayes. Kahit ang sikat na awiting Espanyol na "Eres tu" ay tinuro niya't pinakanta sa amin, at tanda ko pa ang tono nito. Halos limot ko na ang ilang itinurong mga pangungusap sa Espanyol dahil bihira naman itong gamitin sa araw-araw. Sa kaunti kong kaalaman sa wikang Kastila, sinubukan kong isalin ang tula ng ating bayani. Wala kasing salin ang awiting ito sa aklat ni Almario. Ang nagawa ko'y isang tulang may labing-anim na pantig na may sesura (hati) sa ikawalo. 

Narito ang dalawang saknong na tulang Mi Abanico ni Bonifacio at ang aking pagkakasalin:

MI ABANICO
un poema de Andres Bonifacio

Del sol nos molesta mucho el resplandor,
Comprar un abanico de quita el sol;
Aqui sortijas traigo de gran valor,
De lo bueno acaba de lo mejor,
de lo mejor.

El abanico servi sabeis para que?
Para cubrir el rostro de una mujer,
Y con disimulo pondreis mirar,
Por ente las rajillas del abanico.
Vereis la mar.

ANG AKING PAMAYPAY
tula ni Gat Andres Bonifacio
salin mula sa wikang Kastila ni Gregorio V. Bituin Jr.

Sadyang nakababagabag yaring araw na sumikat
Kaya dapat lang mabili ang pamaypay na pantapat
May dala rin akong singsing na mahusay yaong karat
Kung ano ang mas mabuti ay buting karapat-dapat
kabutihang nararapat.

Ang silbi ng pamaypay ay iyo bang nababatid
Na sa maamong mukha ng binibini'y nagsisilid
At kabighanian niya'y susulyapan din ng lingid
Mula sa katawan niring pamaypay na ating hatid
habang ang dagat ay masid

Lunes, Mayo 4, 2009

Tinangay na ng hangin - ni Bob Dylan

Tinangay na ng Hangin
ni Bob Dylan

Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Ilang lansangan ba ang dapat tahakin ng isang tao
Bago mo siya tawaging tao?
Oo, at ilang dagat pa ang dapat liparin ng puting kalapati
Bago siya matulog sa buhangin?
Oo, at ilang ulit pang lilipad ang mga bala ng kanyon
Bago ito ipagbawal magpakaylanman?

Ang sagot, kaibigan, ay tinangay na ng hangin
Ang sagot ay tinangay na ng hangin

Ilang taon pa mamamalagi ang mga bundok
Bago ito malusaw patungo sa karagatan?
Oo, at ilang taon pa mabubuhay ang ilang tao
Bago sila pahintulutang lumaya?
Oo, at ilang ulit ibabaling ng isang tao ang ulo niya
Sa pagkukunwaring wala siyang nakikita?

Ang sagot, kaibigan, ay tinangay na ng hangin
Ang sagot ay tinangay na ng hangin

Ilang ulit bang titingala ang isang tao
Para makita niya ang kalangitan?
Oo, at ilang tainga ang kailangan ng isang tao
Bago niya marinig ang pagluha ng mamamayan?
Oo, at ilan pang kamatayan ang dapat maganap
Upang malaman niyang napakarami nang namatay?

Ang sagot, kaibigan, ay tinangay na ng hangin
Ang sagot ay tinangay na ng hangin


ILANG PAGMUMUNI

Ang awiting ”Blowin’ in the Wind” ni Bob Dylan ang isa sa mga pinakasikat na kantang laban sa digmaan, lalo na nuong 1960s, sa digmaan sa Vietnam, sa giyera sa Iraq, at sa iba pang nagaganap na digmaan. Ang awiting ito’y nakasama rin bilang tula sa mga teksbuk sa Ingles.

Sinulat ito ni Bob Dylan at napasama sa album niya noong 1963 na pinamagatang ”The Freewheelin’ Bob Dylan. Noong 1999, ang awit na ito’y pormal na iniluklok sa Grammy Hall of Fame, at noong 2004 ay nasa pang-14 na pwesto sa talaan ng ”500 Greatest Songs of All Time” na inilathala ng magasin ng Rolling Stone.

Napakaganda ng mensahe ng awitin, na sa pamamagitan ng pagtatanong ay tumatalakay na ng malalim sa mga paksa ng kapayapaan, digmaan at kalayaan. Na ang kasagutan ay alam na natin, ngunit tinatangay ng hangin.

Ang pagsasalin ng awitin ay upang mas manamnam pa natin ang kahulugan ng awitin lalo na sa mga nag-aadhika ng kapayapaan at pagwawakas ng anumang karahasang mga sibilyan ang nadadamay at nakakawawa.

Mga Ninanais, Desiderata sa Tagalog

Mga Ninanais (Desiderata)
ni Max Ehrmann (1872-1945)

Isinalin mula sa Ingles
ni Gregorio V. Bituin Jr.

* Desiderata - wikang latin sa "desired things"

Humayo kang mapayapa sa gitna ng ingay at pag-aapura
at alalahanin kung anong kapayapaan mayroon sa katahimikan.
Hangga’t maaaring mangyari, nang walang pagsuko,
makipag-ugnayang mabuti sa lahat ng tao.
Payapa’t maliwanag mong turan ang katotohanan, at makinig sa kapwa,
kahit sa mga tunggak at mangmang;
dahil may mga kanya-kanya rin silang kwento.

Iwasan mo ang mga taong makukulit at mapupusok;
nakaliligalig sila sa diwa.
Pag inihalintulad mo ang iyong sarili sa iba,
maaring ikaw’y maging inutil o di kanais-nais,
pagkat lagi namang mayroong
mas magaling o mas mababa pa kaysa iyo.

Ipagdiwang mo ang iyong mga nagawa pati na ang iyong mga plano
maging interesado ka sa iyong larangan
gaano man ito kahamak;
ito’y tunay na tangan mo sa nagbabagong tadhana.

Maging maingat sa iyong pakikipagkalakalan
pagkat puno ang daigdig ng mga panlalalang.
Ngunit di ka dapat mabulag nito
kung anumang kabutihang-loob mayroon;
maraming nagsikap para sa dakilang hangarin,
at saanman ang buhay ay puno ng kabayanihan.

Maging ikaw ka.
Lalong huwag kang magkunwari sa pagsinta.
Huwag kang mapanlibak sa pagsuyo,
dahil sa harap ng lahat ng pagkatigang at paggising sa katotohanan,
ito’y di maiiwasang tutubo tulad ng damo.

Dinggin mo ang aral ng mga nagdaang taon,
habang mabining isinusuko ang mga bagay na pangkabataan.
Isulong ang kapangyarihan ng diwa
upang ipagsanggalang ka sa biglaang kasawian.
Ngunit huwag mong guluhin ang sarili mo ng dalumat na mapanglaw.
Maraming pangambang nagmula sa pagkapagod at lungkot.

Sa kabila ng kaaya-ayang kapanutuhan
maging mabait ka sa iyong sarili.
Ikaw ay isang anak ng santinakpan
na higit pa sa mga puno’t bituin;
may karapatan kang mapunta rito.

At kung malinaw man sa iyo o hindi
walang dudang ang santinakpan ay lumilitaw ng dapat.
Samakatwid, maging payapa ka kasama ni Bathala,
anuman ang hinahaka mo tungkol sa Kanya.
At anumang ginagawa mo’t minimithi
sa kaguluhan ng buhay,
magkaroon ng kapayapaan sa iyong diwa.
Sa lahat ng mga pagkukunwari,
kabagalan, at mga basag na pangarap,
isa pa rin itong magandang daigdig.
Maging masaya ka.
Pagsumikapan mong lumigaya.

Isang panaginip, ni Edgar Allan Poe

Isang Panaginip
ni Edgar Allan Poe
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig

Sa mga pangitain ng gabing malamlam
Napanaginipan ko ang nawalang saya
Ngunit ang pagsilang ng buhay at liwanag
Ang nag-iwan sa akin ng pusong may dusa.

Ah, ano bang sa umaga'y di panaginip
Sa kanyang ang iwing mga mata'y mapanglaw
Sa bagay sa palibot niya'y may silahis
At tumalikod na roon sa nakaraan.

Ang panagimpang yaon, panagimpang yaon
Habang pawang lahat sa mundo'y nanunumbat
At ipagsigawang ako'y isang sintang sinag
Na isang kaylungkot na diwang gumagabay.

Bagamat ang liwanag sa unos at gabi
Na nangangatal naman mula sa malayo
Anong mayroon kaysa totoong liwanag
Ng katotohanang tala nitong umaga.

Dimasupil, ni William Ernest Henley

DIMASUPIL
ni William Ernest Henley
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

Doon sa karimlang sa akin nakalukob
Na sing-itim ng hukay sa magkabilanin
Sa gawa ng bathala'y salamat ng taos
Sa hindi pasusupil na diwa kong angkin.

Sa biglang lagapak niyaring kalagayan
Di ako kumislot o kaya'y nagngangawa
Sa ilalim nitong biglaang kapalaran
Di ako yumukod duguan man ang mukha,

Higit sa pook na ito ng luha't poot
Ay nababanaag yaong lagim ng tabing
Gayunman anumang banta ng mga taon
Ay di nagpasagila ng takot sa akin.

Balewala makipot man ang tarangkahan
Sa kalatas man mga parusa'y natala
Ako ang maestro ng aking kapalaran
Ako ang maestro ng aking buong diwa.

Sampaloc, Maynila
May 6, 2008


INVICTUS
William Ernest Henley (August 23, 1849 - July 11, 1903)

Out of the night that covers me
Black as the pit from pole to pole
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the horror of the shade
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate
How charged with punishments the scroll
I am the master of my fate
I am the captain of my soul.

- written 1875

Pagninilay, ni John Lennon

PAGNINILAY
ni John Lennon
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isipin mong walang langit
Madali lang kung susubukan mo
Walang impyerno sa ilalim natin
Sa ibabaw nati’y alapaap lang
Isipin mong ang lahat ng tao
Nabubuhay para sa kasalukuyan...ah

Isipin mong walang bansa
Hindi ito mahirap gawin
Walang dahilan para pumatay at mamatay
At wala ring relihiyon
Isipin mong ang lahat ng tao
Nabubuhay sa kapayapaan... yuhu ooh

REFRAIN:
Maaaring sabihin mong
ako’y nangangarap lang
Ngunit hindi lamang ako
Sana’y makasama ka namin
At ang mundo’y magiging isa

Isiping walang pag-aari
Naiisip ko’y kung kaya mo
Di na kailangang maging sakim o gutom
Pagkakapatiran ng mamamayan
Isipin mong ang lahat ng tao
Nagbibigayan sa buong mundo ... yuhu ooh

(Ulitin ang Refrain)


IMAGINE
by John Lennon (1940-1980)

Imagine there's no Heaven
It's easy if you try
No hell below us
Above us only sky
Imagine all the people
Living for today

Imagine there's no countries
It isn't hard to do
Nothing to kill or die for
And no religion too
Imagine all the people
Living life in peace

You may say that I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will be as one

Imagine no possessions
I wonder if you can
No need for greed or hunger
A brotherhood of man
Imagine all the people
Sharing all the world

You may say that I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will live as one