HULING TULA
(Para kay Linda Faigao)
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Sapagkat pinagnilayan mo ang sariling pagkawasak
kaya mo na ngayong tiisin ang kawalang-ingat sa bukal
ng mga palaka sa mapanglaw at nagambalang mga damuhan:
sapagkat pinagnilayan mo ang sariling pagkawasak
Sa mga tahanan ng liwanag at paglukso,
ang mga panauhing may mga iris ng palaka ay nagkalat sa mga kahon
mga palaisipang jigsaw na natipon sa loob ng dalawang oras;
Ay, Diyos ko, pinagnilayan nila ang sariling pagkawasak
Ay, tanginang hangin! Hayaang kumapit ang mga linta
ng ating mga pandama sa mga maruruming hardin at lawa;
lumulukso, patango-tango sa mga nawawalang matang tubig.
Ay, sapagkat pinagnilayan natin ang sariling pagkawasak
* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Oktubre 19, 1968, p. 35
* Isinalin ng petsang Marso 14, 2019
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.
LAST POEM
(For Linda Faigao)
Because you're contemplated self-destruction
you can now afford the recklessness of frogs'
fountains on dark disturbed lawns:
because you've contemplated self-destruction.
In the homes of light and leaping,
guests with irises of toads scatter into boxes
jigsaw puzzles gathered in two hours;
O my God, they've contemplated self-destruction.
O fuck the air! Let the leeches of
our senses cling to scabby gardens and lagoons;
leaping, nod to water's disappearing circles.
O because we've contemplated self-destruction.
Emmanuel F. Lacaba

