PAGLALAKBAY SA GABI
Tula ni Eman Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nakakatawang pag-usapan ang Ikatlong Daigdigang Digmaan
Habang inaabangan ang ilaw na maging lunti.
Mas nakakatawang ang luntian ay nangangahulugang tumawid na
At ang pula ay huminto naman, ito ang pangalan ko, iyon ang pangalan mo,
Binibini ng madidilim na titig.
Bigla kang kinakabahan nang makakita ng kapatagang
Umubo ng dugo laban sa karimlan.
Bumalik ang takot na para bang ang ating mga balakang
Ay muling nakalbong nadarama ang Kamatayang
Pumaslang sa kambal na Sinamese.
"Ang pangamba at pagnanasa ay may dalawang katawan,"
Ipinapahayag ng ating isip habang ang mga ilaw ay nagiging luntian:
"Kalimutan ang kapatagan, pag-usapan ang oras
Ng takot at apoy." Oh, puti ang mga guho
At tayo ang mga sinaunang tao.
* Ikatlong Daigdigang Digmaan, hindi Ikatlong Digmaang Pandaigdig, ang salin ko sa WWIII dahil mas nyutral ito kumpara sa Pandaigdig na parang natural na tanggap na natin ang digmaan
* Inilathala ang orihinal na bersyong Ingles sa Philippines Free Press, Disyembre 2, 1967, p.31
* Isinalin ng petsang Oktubre 14, 2018
* Gabi ng Mayo 5, 2018, sa ancestral house ng aking asawang si Liberty, sa Barlig, Mountain Province, ay hinalungkat ko ang mga isyu ng Philippines Free Press mula 1966 hanggang 1969 na tinipon ng kanyang namayapang ama. Nilitratuhan ko rito ang mga poetry o tulang nalathala. At ilan sa aking natagpuan, bukod sa mga tula ni Cirilo F. Bautista, ay ang labingtatlong tula ng makatang Eman Lacaba, na sa ngayon ay inisa-isa kong tinipa sa kompyuter at malayang isinalin sa wikang Filipino.
NIGHT DRIVE
Funny talking of World War III
While waiting for green lights.
Funnier that green means go and red
Stop, my name's this, your name's that,
Lady of dark gazes.
Suddenly you tense to see a plane
Cough blood against the night.
Fear returns as if our loins again
Were hairless feelers of Death
That fratricidic Sinamese twin.
"Dread and wish have double torses,"
Our mind declare as lights go green:
"Forget the plane, discuss the hour
Of panic and fire." Oh, white the ruins
And we the primal humans.
- Emmanuel Lacaba
