Huwebes, Agosto 19, 2021

Ang Landas na Di Tinahak, ni Robert Frost

ANG LANDAS NA DI TINAHAK
Klasikong tula ni Robert Frost, makatang Amerikano
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod

Dalawang lansangan ang lumihis sa dilaw na kahoy,
At paumanhin kung  di ko ito kapwa matatahak 
At maging isang manlalakbay, kaytagal kong tumayo
At tumingin nang pababa hanggang sa makakaya ko
Kung saan ito yumuko sa mga halamang ligaw

Ipinasya kong tahakin ang daang tingin ko’y patas,
At dahil na rin marahil sa mas mahusay na pasya,
Lalo na't madamo roon at kaysarap na suutin
Bagamat tinitingnang ang pagtahak sa dakong iyon
Ay nakakapagod din bagamat sila’y pareho lang

At kapwa sa umagang iyon, pantay na nakalatag
Yaong mga dahong walang hakbang na naiitiman.
Ay, akin muna itong ilalaan sa ibang araw!
Batid man kung paanong daan ay gigiya sa landas
Ay nagdududa ako kung ako’y makababalik pa.

Masasabi ko lamang ito nang may buntong hininga
Saanman maging noong una hanggang panahon ngayon
Dalawang lansangan ang lumihis sa kahoy, at ako’y—
Tinahak ko ang landasing di gaanong nalalakbay
At ito lang ay nagpakita na ng pagkakaiba.

- Salin ng tulang The Road Not Taken, na nakasulat sa Ingles, na nasaliksik ng tagasalin sa aklat na The Mentor Book of Major American Poets, pahina 250. Ang nasabing aklat ay nabili ng makatang gala sa Book Sale sa Farmers Plaza, sa Cubao, QC, sa halagang P125.00 noong Nobyembre 20, 2020.
- Natapos isalin ngayong 08.18.2021

Biyernes, Pebrero 28, 2020

Soneto XIII. Mula kay Petrarch

Soneto XIII. Mula kay Petrarch
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig bawat taludtod

O, ilagay mo ako sa naglalagablab na buwan
Na pinagbawal humihip ang nalalantang bulaklak;
O ilagay mo ako sa napakalamig na lunan
Sa mga kabundukan ng nyebeng walang katapusan:
Hayaan mong hanapin ko'y hakbang tungong katanyagan,
O ang mas mahirap tahaking landas ng Kahirapan;
Paagusin ang pagkabatang kay-init sa'king ugat,
O animnapung taglamig sa dugo ko'y kumaligkig:
Kahit ang diwang ginigiliw sa Langit ay lumipad,
O kahit mawalan na ng saysay dito sa daigdig,
Bilangguan o kalayaan - di kilala o sikat,
Ang iwi kong puso, O, Laura! ay nasa iyo pa rin.
Kung saanman ang patutunguhan niring kapalaran
Patuloy pang mag-aalab ang pusong tapat sa iyo!

Ang makatang Italyanong si Petrarch (Hulyo 20, 1304 - Hulyo 19, 1374)
Sonnet XIII. From Petrarch

OH! place me where the burning moon
Forbids the wither'd flower to blow;
Or place me in the frigid zone,
On mountains of eternal snow:
Let me pursue the steps of Fame,
Or Poverty's more tranquil road;
Let youth's warm tide my veins inflame,
Or sixty winters chill my blood:
Though my fond soul to Heaven were flown,
Or though on earth 'tis doom'd to pine,
Prisoner or free--obscure or known,
My heart, oh Laura! still is thine.
Whate'er my destiny may be,
That faithful heart still burns for thee!

* Ang tula ay mula sa: https://allpoetry.com/Sonnet-XIII.-From-Petrarch

Martes, Abril 2, 2019

Ang Martir - Tula ni Nick Joaquin


Ang Martir
Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang pagsinta'y hindi nangangahulugang dapat kang magpaumanhin
Gayunpaman, sa isang yugto ng buhay mo
Ang pagsintang iyon ang pinakamahalagang bagay sa iyo,
Ang pagsintang iyon ang maaaring iaasahan mong magtatagal magpakailanman,
Ang pagsintang iyon na pinaniniwalaan mong hindi umiiral ang tadhana,
At dahil sa pagsintang iyon ay nagtatanong ka,
Bakit ka natatakot umibig sa una pa lang.

Sa panahong iyon ng iyong buhay,
Animo'y perpekto ang lahat
Animo lahat ay napakaganda
Animo ang lahat ay nagniningning para sa iyo,
At ikaw ang lahat sa akin.

Hindi na ako nagdadalawang-isip hinggil sa pagsakripisyo ng sarili kong kaligayahan para sa iyo,
Ninanais ko pang hubarin ang nadidindingan ngunit nilamukos kong puso,
Upang makasama lang kita.
Ang lahat ay ginagawa ko upang maalagaan ka
Ang lahat ay ginagawa ko upang masiyahan ka
At ginawa ko iyon dahil mahal kita.

Ang pagsinta'y hindi nangangahulugang dapat kang magpaumanhin
Subalit dapat akong humingi ng tawad sa nasaktan ko ng lubos...
Ang aking sarili.


The Martyr
Poem by Nick Joaquin

Being in love means never having to say you’re sorry
After all, at some point in your life
That love was the most important thing to you,
That love might be the one that you hoped would last forever,
That love made you believe that destiny does exist,
And that love made you question,
Why you were afraid to fall in love in the first place.

At that time in your life,
Everything just seemed so perfect,
Everything seemed so beautiful,
Everything seemed to glow for you,
And you were my everything.

I wouldn't even think twice about sacrificing my own happiness for yours,
I was even willing to bare up this walled but crumpled heart of mine,
Just so I could be with you.
All I ever did was care for you.
All I ever did was to make you happy.
And all I ever did was love you.

Being in love means never having to say you’re sorry
But I needed to ask forgiveness from the one who was hurt the most…
Myself.

Martes, Marso 5, 2019

Salin ng tulang Spirits of the Dead ni Edgar Allan Poe


Spirits of the Dead
BY EDGAR ALLAN POE

Mga Espiritu ng Patay
ni EDGAR ALLAN POE
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

I

Thy soul shall find itself alone
’Mid dark thoughts of the gray tombstone—
Not one, of all the crowd, to pry
Into thine hour of secrecy.

I

Nagisnang mong nangulila ang iyong kaluluwa
Saloobin ay kaydilim sa abuhing lapida
Walang isa man, sa tanang madla, ang nagigisa
Sa iyong napapanahong lihim na nag-iisa.

II

Be silent in that solitude,
Which is not loneliness—for then
The spirits of the dead who stood
In life before thee are again
In death around thee—and their will
Shall overshadow thee: be still.

II

Maging matahimik ka sa pag-iisa mong iyon
Na hindi naman kalungkutan - at kung magkagayon
Yaong naroroong mga espiritu ng patay
Sa harap mo ay muling nakatayong nabubuhay
Sa kamatayang lumigid - at loob na pinukaw
Nila ang sa iyo'y lalamon: huwag kang gagalaw.

III

The night, tho’ clear, shall frown—
And the stars shall look not down
From their high thrones in the heaven,
With light like Hope to mortals given—
But their red orbs, without beam,
To thy weariness shall seem
As a burning and a fever
Which would cling to thee for ever.

III

Ang gabi, bagamat maliwanag, ay sumimangot-
At ang mga bituin ay hindi dapat yumukod
Mula sa luklukang kaytayog sa langit na banal
Ng may liwanag tulad ng Pag-asang alay sa mortal
Ngunit ang mga pulang globo nilang walang sinag
Ay tila nakikita, sa iyong pagkabagabag,
Bilang siyang nasusunog at yaong karamdaman
Ang mangungunyapit sa iyo magpakailanman

IV

Now are thoughts thou shalt not banish,
Now are visions ne’er to vanish;
From thy spirit shall they pass
No more—like dew-drop from the grass.

IV

Ngayon mga saloobin mo'y hindi mawawala,
Ngayon mga pangitain ay hindi mapupuksa;
Makakatawid sila mula sa espiritu mo
Walang higit pa - tulad ng hamog - mula sa damo.

V

The breeze—the breath of God—is still—
And the mist upon the hill,
Shadowy—shadowy—yet unbroken,
Is a symbol and a token—
How it hangs upon the trees,
A mystery of mysteries!

V

Ang simoy - ang hininga ni Bathala - ay patuloy
At yaong alapaap na naroroon sa burol,
Malabo - malabo - subalit hindi nasisira
Itong isang sagisag at isa rin itong tanda
Paano naisabit sa punong tinitingala
Tunay na kahiwagaan sa lahat ng hiwaga!

Source: The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)
Pinagbatayan: aklat na The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)

Huwebes, Hunyo 16, 2016

salin ng tulang Fidel Castro

FIDEL CASTRO
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kaya kilala mo pala si Fidel Castro? Sa tingin ko'y gayon din
na iyon ang pangalan ng batang tagalinis, yaong
naglilinis ng maruruming pinggan at naglalampaso ng sahig
tinatawag siyang "Fy" na mas matanda kaysa akin at may
mas magandang edukasyon, at ako, na kanyang amo ay dama
ang kanyang pagsuway sa mga atas ng isang opisyal ng
uring manggagawa, ay nag-ugat. Subalit batid ko tulad
ng alam ng nakapagbabasa, ang malinggit na tao'y isang lingkod
ng mga mayayaman, kailangan nila ng sinumang nakapag-aral
kung anong kanilang gagawin; sa Venezuela, lumipat si Fidel
sa bapor na kanyang nakita at kumuha kami ng isa pang
batang tagalinis na hindi marunong magbasa o magsulat
pagkat ang sahod na matatanggap niya'y makatutulong
sa kanyang pamilya. Isang kasagwilang wala akong
makatalong sinuman



FIDEL CASTRO
A poem by Jan Oskar Hansen

So you do know Fidel Castro? I think I do
that was the name of the mess boy, the one who
had to do the dirty dishes and clean floors
“Fy” as he was called was older than me and had
a much better education, and I, as his boss felt his
contempt being told what to do by an officer of
working class, roots. But I knew as everybody who
read knows, the little man is but a servant for
the rich, they need someone educated to tell them
what to do; In Venezuela, Fidel jumped ship he was
not missed and we got another mess-boy
who could not read or write because the wage he got
could support his family. The downside was I had
no one to argue with

Lunes, Hunyo 13, 2016

salin - Ang mga naghahanap ng trabaho

ANG MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
(15 pantig bawat taludtod)

Matapos ang matagal na kawalan ng trabaho
napasok akong tagaluto sa isang kapihan
kung saan tao'y nagdatingan para sa serbesa
ngunit atas ng lokal na batas, kumain muna
ang sinuman bago tumagay. Monay o may kesong
tinapay ang karaniwan, na pag di na nakain
ay nililipat ng pinggan upang muling ihain,
ngunit dapat kong buksan, ilalim ng keso'y tingnan
nang tiyaking walang nilagay doong anupaman
tulad ng upos ng yosi't iba pa. Aking batid
ang galawan pagkat dating mananagay hanggang sa
mawalan ng trabaho nang lagyan ng saklob yaong
lata ng sardinas at alumahan. Ayos lamang
maging uring manggagawa pag panaho'y maganda,
ngunit sa malao't madali'y may kapanganiban
at pag walang aral, tiyak sa karukhaan sadlak.


JOB SEEKERS
A poem by Jan Oskar Hansen

After being unemployed for a long time I got
a job as a cook in a cafe where people came
for the beer, but the local law demanded
drinkers had to order something to eat before
drinking. Usually, it was a burger or a cheese
sandwich. If a sandwich came back uneaten
it was moved to another plate and served again,
but I had to open look under the cheese to be
sure no one had put something there, like
the butt of cigarette and so on.  I knew the game
having been a drinker there until I lost my job
of putting a lid on tins of sardines and mackerel.
 To be working class when time is good is Ok, but
but sooner or later there will be a downturn
and without proper education poverty beckons.

Sabado, Hunyo 4, 2016

salin - Ang Lipunang Walang Uri

ANG LIPUNANG WALANG URI
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Opisyal na ito ngayon, patay na ang uring manggagawa
tayong lahat ay panggitnang uri maliban sa mga
naglalampaso ng sahig ng tanggapan, lumilikha ng mga produkto
at gumagawa ng mumurahing damit, wala silang karapatan
o kinabukasan, tinatanggap natin na kung kailangan
ang malaking minorya ng kasalukuyang alipin upang magpatuloy
ang ating kahibangan bilang isang modernong bayan.
Ang minoryang ito - na kaypalad para sa atin - ay di nakikita
ang kanilang kapangyarihan pag walang nilikhang anuman o
naglinis ng lansangan at mga tanggapan, tayo'y malulunod
sa masasamang salita at nag-uumapaw na padaluyan;
babayaran natin sila ng sapat at igagalang yaong mga
nagpapanatiling buhay ng ating mga lungsod.


THE CLASSLESS SOCIETY
A poem by Jan Oskar Hansen

It is now official the working class is dead
we are all middle class except for those
who clean the office floors, make products
and make cheap clothes, they have no right
nor a future, we accept that as we need
this big minority of current slaves to keep up
our illusion we are a modern nation.
This minority -luckily for us –does not see
their power if no one produced anything or
cleaned streets and offices, we would drown
in filth and overflowing sewers; we would
pay them handsomely and respect those who
keep our cities livable.