Sabado, Agosto 9, 2014

Awit ni Maria Clara - ni Jose Rizal

AWIT NI MARIA CLARA
ni Jose Rizal
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

Kaytamis ng mga oras sa bayang tinubuan,
kung saan magiliw yaong araw na kumikinang
Simoy yaong buhay na winawalis yaong parang
ang pagsinta’y magiliw, tahimik ay kamatayan.

Naglalaro sa mga labi'y mainit na halik
habang nakaharap sa aming ina kami'y gising
pinapangarap siyang yapusin ng mga bisig
mga mata'y ngumiti habang sila'y nakatitig

Kaytamis kung mamamatay sa bayang tinubuan,
kung saan magiliw yaong araw na kumikinang!
Simoy yaong kamatayan sa sinumang nilalang
na walang pag-ibig, walang ina, at walang bayan


Song of Maria Clara
Jose Rizal

Sweet the hours in the native country,
where friendly shines the sun above!
Life is the breeze that sweeps the meadows;
tranquil is death; most tender, love.

Warm kisses on the lips are playing
as we awake to mother's face:
the arms are seeking to embrace her,
the eyes are smiling as they gaze.

How sweet to die for the native country,
where friendly shines the sun above!
Death is the breeze for him who has
no country, no mother, and no love!

Pinag-isa tayo ng Cuba - ni Jose Marti

PINAG-ISA TAYO NG CUBA
ni Jose Marti
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

Pinag-isa tayo ng Cuba sa dayong lupa,
Banaag sa Cuba yaring awit ng pagsinta:
Cuba ang iyong puso, aking langit ang Cuba
Sa iyong aklat, ang Cuba ang aking salita.


CUBA UNITES US
Jose Marti

Cuba unites us in a foreign land,
Our love longs for Cuban dawns:
Cuba is your heart, Cuba is my sky,
In your book, Cuba is my word.


Cuba nos une
Jose Marti

Cuba nos une en extranjero suelo,
Auras de Cuba nuestro amor desea:
Cuba es tu corazón, Cuba es mi cielo,
Cuba en tu libro mi palabra sea.

Biyernes, Agosto 8, 2014

Nabuhay ako bagamat ako'y namatay (Tula 26) - ni Jose Marti

NABUHAY AKO BAGAMAT AKO'Y NAMATAY (Tula 26)
ni Jose Marti
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

Nabuhay ako bagamat ako'y namatay
Na nagpapahayag ng mahusay kong tuklas
Sapagkat kagabi'y aking naging patunay
Pagmamahal ang pinakamagandang lunas.

Kapag tinimbang sa kurus, ang isang tao
Ay resolbadong mamatay para sa wasto
Gagawin niya ang lahat ng kabutihan
At uuwing pinaliguan ng liwanag.


I Who Live Though I Have Died (Verse XXVI)
Jose Marti

I who live though I have died,
Claim a great discovery,
For last night I verified
Love is the best remedy.

When weighed by the cross, a man
Resolves to die for the right;
He does all the good he can,
And returns bathed in the light.

Dalawang bayan - ni Jose Marti

DALAWANG BAYAN
ni Jose Marti
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

May dalawa akong bayan: ang Cuba't ang karimlan
O kaya pareho itong walang magandang paglisan
Araw ng kanyang kamahalang may mahabang belo
tahimik, sa kanyang kamay ay nagkatawang tao
nakita ko ang isang malungkot na biyuda
ang madugong pagkakatawang-tao'y aking talos
nanginginig ang mga kamay! Walang laman yaong
aking dibdib, na nawasak at ito'y walang laman
kung saan naroon ang puso, ito ang panahon
upang magpaalam. Ginambala nitong liwanag
ang pagsasalita ng tao. Sa pandaigdigan
ang mga lalaki'y nagsasalita ng kayhusay
Aling bandila
ang mag-aalok sa iyong lumaban, ang bolang apoy
ng may nakasinding kandila. Ang mga bintana'y
nakabukas, at kaylapit sa akin. Paglipat, umalis
bilang alapaap yaong nagkakatawang-tao
ng mga ulap sa langit. Cuba, balo, pasa


Dos Patrias
Jose Marti

Dos patrias tengo yo: Cuba y la noche.
¿O son una las dos? No bien retira
su majestad el sol, con largos velos
y un clavel en la mano, silenciosa
Cuba cual viuda triste me aparece.
¡Yo sé cuál es ese clavel sangriento
que en la mano le tiembla! Está vacío
mi pecho, destrozado está y vacío
en donde estaba el corazón. Ya es hora
de empezar a morir. La noche es buena
para decir adiós. La luz estorba
y la palabra humana. El universo
habla mejor que el hombre.
                          Cual bandera
que invita a batallar, la llama roja
de la vela flamea. Las ventanas
abro, ya estrecho en mí. Muda, rompiendo
las hojas del clavel, como una nube
que enturbia el cielo, Cuba, viuda, pasa..

Lunes, Agosto 4, 2014

Ang makatâ - tula ni Alexander Pushkin

ANG MAKATA
tula ni Alexander Pushkin
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

Bagamat hindi pa humihiling si Apollo
Ng makata sa isang sagradong sakripisyo
Sa mundong batuhan ng putik ang mga gulo
Ubod sama't walang awa niyang binalasa
Yaong banal niyang kudyaping laging payapa;
Nahihimbing ang kanyang diwa, at nanlalata
Sa gitna'y mga nuno sa mundo ng higante
Siya, marahil, ang pinakapandak na nuno.

Ngunit nang ang salita ng atas ng bathala
Sa kanyang tainga'y makarating, at listong lagi
Nagsimula na – ang puso ng makatang taal –
Tulad ng pagsisimula ng agilang gising.
Malungkot siya sa makamundong saya, tamad,
Iwas sa mga bulungang laging naglipana,
Nasa paanan ng iniidolo ng lahat
Di iniyuyukod ang ulo niyang palalo
Tumatakbo siya – yaong ilap, bagsik, gitla,
Puno ng kaguluhan, puno ng kaingayan –
Sa iniwanang katubigan ng mga pampang,
Sa kakahuyan, naglipana’t huni’y kaylakas.

* Isinalin ni Yevgeny Bonver mula sa wikang Ruso tungo sa wikang Ingles, Nobyembre, 2003


The Poet
by Alexander Pushkin

While still Apollo isn’t demanding
Bard at the sacred sacrifice,
Through troubles of the worldly muddling
He wretchedly and blindly shuffles;
His holly lyre is quite silent;
His soul’s in the sleeping, soft,
And mid the dwarves of the world-giant,
He, perhaps, is the shortest dwarf.

But when a word of god’s commands,
Touches his ear, always attentive,
It starts – the heart of the Bard native –
As a waked eagle ever starts.
He’s sad in earthly frolics, idle,
Avoids folks’ gossips, always spread,
At feet of the all-peoples’ idol
He does not bend his proud head;
He runs – the wild, severe, stunned,
Full of confusion, full of noise –
To the deserted waters’ shores,
To woods, widespread and humming loud…

O, musa ng mapula't mainit na pag-uyam - tula ni Alexander Pushkin

O, MUSA NG MAPULA'T MAINIT NA PAG-UYAM
tula ni Alexander Pushkin
malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod

O, musa ng mapula't mainit na pag-uyam
Lumitaw ka sa agaran kong pambibighani
Di ko kailangan ang garalgal ng kudyapi
Latigo ni Juvenal ay ibigay sa akin!
Hindi sa mga tagasaling sukdol ang lamig,
O sa mga manggagayang payat at matapang,
Hindi sa mga tupang lumilikha ng tugma,
Kasabihang panata’y aking ipadadala!
Kapayapaan mo'y damhin, o, makata't sawi,
Ang mga aliping dungo sa pagkapahiya!
Ngunit kayong 'mabubuti', kayong palamara --
Hakbang pasulong!! Lahat ng bantay ng lapian
Ay hahatulan ko sa tulos ng kahihiyan,
At kung sakaling malimutan ko ang pangalan
Ng sinuman, mangyaring ako'y pakitulungan!
Kayraming mukha, mga mapuputla't magaspang
Kayraming noo, malalapad at tila tanso
Nakahanda silang tanggapin mula sa akin
Ang tatak, iyon nga kung mayroon ngang ganoon.

* Isinalin ni Yevgeny Bonver mula sa wikang Ruso tungo sa wikang Ingles, Disyembre, 1999


Oh, Muse of the Red-Hot Satire
by Alexander Pushkin

Oh, Muse of the red-hot satire,
Appear at my urgent spell:
I've no need for rattling lyre,
Give me the whip of Juvenal!
Not to translators ever cold,
Or imitators gaunt and bold,
Not to the lambs, who make the rhymes,
I'll send the pledge of epigrams!
Enjoy your peace, oh, bard, despondent,
The journal's creature-correspondent,
The dull humiliated slaves!
But you, 'good' fellows, you, knaves --
Step forward! All your blackguards' party
I'll sentence to the stake of shame,
And, if I will forget the name
Of somebody, please help me smartly!
A lot of faces, pale and sassy,
A lot of brows, wide and brassy,
Are ready to receive from me
The brand, that ever must there be.

Sabado, Agosto 2, 2014

Awit kay Bolivar - salin ng tula ni Pablo Neruda

AWIT KAY BOLIVAR
tula ni Pablo Neruda
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ama Namin, sumasalangit ka,
sa tubig, sa hangin
sa lahat ng aming tahimik at malawak na agwat
lahat ay nagtataglay ng iyong ngalan,
Ama sa aming tahanan:
ang ngalan mo'y nagpapatamis sa tubo
ang lata ni Bolivar ay may ningning ni Bolivar
lumilipad ang ibong Bolivar sa ibabaw ng bulkang Bolivar
ang patatas, ang salitre, ang mga aninong natatangi,
ang mga batis, ang mga ugat ng batong siklaban
ang lahat ay nagmula sa iyong pinuksang buhay
pamana mo ang mga ilog, kapatagan, batingaw sa moog
pamana mo ang aming kinakain sa araw-araw, O, Ama.


CHANT TO BOLIVAR
a poem by Pablo Neruda

Our Father thou art in Heaven,
in water, in air
in all our silent and broad latitude
everything bears your name,
Father in our dwelling:
your name raises sweetness in sugar cane
Bolivar tin has a Bolivar gleam
the Bolívar bird flies over the Bolivar volcano
the potato, the saltpeter, the special shadows,
the brooks, the phosphorous stone veins
everything comes from your extinguished life
your legacy was rivers, plains, bell towers
your legacy is our daily bread, oh Father.