Martes, Abril 2, 2019

Ang Martir - Tula ni Nick Joaquin


Ang Martir
Tula ni Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang pagsinta'y hindi nangangahulugang dapat kang magpaumanhin
Gayunpaman, sa isang yugto ng buhay mo
Ang pagsintang iyon ang pinakamahalagang bagay sa iyo,
Ang pagsintang iyon ang maaaring iaasahan mong magtatagal magpakailanman,
Ang pagsintang iyon na pinaniniwalaan mong hindi umiiral ang tadhana,
At dahil sa pagsintang iyon ay nagtatanong ka,
Bakit ka natatakot umibig sa una pa lang.

Sa panahong iyon ng iyong buhay,
Animo'y perpekto ang lahat
Animo lahat ay napakaganda
Animo ang lahat ay nagniningning para sa iyo,
At ikaw ang lahat sa akin.

Hindi na ako nagdadalawang-isip hinggil sa pagsakripisyo ng sarili kong kaligayahan para sa iyo,
Ninanais ko pang hubarin ang nadidindingan ngunit nilamukos kong puso,
Upang makasama lang kita.
Ang lahat ay ginagawa ko upang maalagaan ka
Ang lahat ay ginagawa ko upang masiyahan ka
At ginawa ko iyon dahil mahal kita.

Ang pagsinta'y hindi nangangahulugang dapat kang magpaumanhin
Subalit dapat akong humingi ng tawad sa nasaktan ko ng lubos...
Ang aking sarili.


The Martyr
Poem by Nick Joaquin

Being in love means never having to say you’re sorry
After all, at some point in your life
That love was the most important thing to you,
That love might be the one that you hoped would last forever,
That love made you believe that destiny does exist,
And that love made you question,
Why you were afraid to fall in love in the first place.

At that time in your life,
Everything just seemed so perfect,
Everything seemed so beautiful,
Everything seemed to glow for you,
And you were my everything.

I wouldn't even think twice about sacrificing my own happiness for yours,
I was even willing to bare up this walled but crumpled heart of mine,
Just so I could be with you.
All I ever did was care for you.
All I ever did was to make you happy.
And all I ever did was love you.

Being in love means never having to say you’re sorry
But I needed to ask forgiveness from the one who was hurt the most…
Myself.

Martes, Marso 5, 2019

Salin ng tulang Spirits of the Dead ni Edgar Allan Poe


Spirits of the Dead
BY EDGAR ALLAN POE

Mga Espiritu ng Patay
ni EDGAR ALLAN POE
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

I

Thy soul shall find itself alone
’Mid dark thoughts of the gray tombstone—
Not one, of all the crowd, to pry
Into thine hour of secrecy.

I

Nagisnang mong nangulila ang iyong kaluluwa
Saloobin ay kaydilim sa abuhing lapida
Walang isa man, sa tanang madla, ang nagigisa
Sa iyong napapanahong lihim na nag-iisa.

II

Be silent in that solitude,
Which is not loneliness—for then
The spirits of the dead who stood
In life before thee are again
In death around thee—and their will
Shall overshadow thee: be still.

II

Maging matahimik ka sa pag-iisa mong iyon
Na hindi naman kalungkutan - at kung magkagayon
Yaong naroroong mga espiritu ng patay
Sa harap mo ay muling nakatayong nabubuhay
Sa kamatayang lumigid - at loob na pinukaw
Nila ang sa iyo'y lalamon: huwag kang gagalaw.

III

The night, tho’ clear, shall frown—
And the stars shall look not down
From their high thrones in the heaven,
With light like Hope to mortals given—
But their red orbs, without beam,
To thy weariness shall seem
As a burning and a fever
Which would cling to thee for ever.

III

Ang gabi, bagamat maliwanag, ay sumimangot-
At ang mga bituin ay hindi dapat yumukod
Mula sa luklukang kaytayog sa langit na banal
Ng may liwanag tulad ng Pag-asang alay sa mortal
Ngunit ang mga pulang globo nilang walang sinag
Ay tila nakikita, sa iyong pagkabagabag,
Bilang siyang nasusunog at yaong karamdaman
Ang mangungunyapit sa iyo magpakailanman

IV

Now are thoughts thou shalt not banish,
Now are visions ne’er to vanish;
From thy spirit shall they pass
No more—like dew-drop from the grass.

IV

Ngayon mga saloobin mo'y hindi mawawala,
Ngayon mga pangitain ay hindi mapupuksa;
Makakatawid sila mula sa espiritu mo
Walang higit pa - tulad ng hamog - mula sa damo.

V

The breeze—the breath of God—is still—
And the mist upon the hill,
Shadowy—shadowy—yet unbroken,
Is a symbol and a token—
How it hangs upon the trees,
A mystery of mysteries!

V

Ang simoy - ang hininga ni Bathala - ay patuloy
At yaong alapaap na naroroon sa burol,
Malabo - malabo - subalit hindi nasisira
Itong isang sagisag at isa rin itong tanda
Paano naisabit sa punong tinitingala
Tunay na kahiwagaan sa lahat ng hiwaga!

Source: The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)
Pinagbatayan: aklat na The Complete Poems and Stories of Edgar Allan Poe (1946)