Lunes, Mayo 4, 2009

Tamang Salin ng WWII

Tamang Salin ng WWII
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang tamang pagkakasalin ng World War II sa ating wika ay Ikalawang Daigdigang Digmaan at hindi ang nakasanayang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil ang salitang “Pandaigdig” ay may konotasyon ng pagpayag o pagsang-ayon sa bagay na tinutukoy. Ang iba pang katulad nito'y ang "pam, pang" at kung susuriin ang mga ito, "pansaing, panlaba, panlaban, pambayan, pangnayon, pambansa, pandaigdig" makikita nga nating ang unlaping "pan, pam, pang" ay may pagsang-ayon sa nakaugnay na salita nito.

Gayundin naman, dahil hindi lahat ay payag o sang-ayon sa digmaan, maling tawaging Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang World War II, kundi mas tumpak na gamitin ang neutral na salitang Ikalawang Daigdigang Digmaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento